FresboPatrol
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


FresboPatrol News Team Forum
 
HomeLatest imagesSearchRegisterLog in

 

 Goodbye Past, Hello Future

Go down 
AuthorMessage
storymaker_mena
New On the Block



Posts : 12
Join date : 2010-05-08

Goodbye Past, Hello Future Empty
PostSubject: Goodbye Past, Hello Future   Goodbye Past, Hello Future EmptyThu May 13, 2010 6:09 am

Hi guys :$

This is the first time I post my story lol
=======================================

Prolouge

Sa pagtititig ni Liza sa puntod ng yumaong na kasintahan, muli na naman siyang naiyak nang maalala nito ang masasayang ala-ala nila. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya matanggap na patay na si Luis.

“Baby, Kumusta ka naman dyan?” paglalambing ni Luis sa telepono.
“Ito, as usual, nagaantay ng tawag mo” halatang medyo galit ang tono ng boses ni Liza. “Ay ganun ba? Galit ka ba?” ang muling sagot ni Luis. “Huh? Hindi ah” pilit na nilambingan nito ang boses ng sa ganun ay hindi mahalata ng kasintahan na siya’y galit.

“Anyway bakit ngayun ka lang tumawag? Tagal kong inantay ang tawag mo ah” muling sabi nito. “Ah. Kasi.. Anu… kasi” hindi makasagot si Luis.

Paano nga ba niya sasabihin ang nais niyang sabihin eh alam niyang masasaktan ang nobya?

“Anung anu kasi?”
“I have to say something”

Nabahala si Liza sa sinabi ni Luis.
Sana hindi naman siya makikipagbreak sa akin!

“A-anu i-iyon?” nangangatal ang boses nito.
“Kasi ano eh. Hmmm… A-“ hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa sigaw ng ama nito.
“Liza! Nakikipag-usap ka na naman ba sa kung kani-kaninong lalaki!” sigaw ng lasing na lasing na ama ni Liza.
“Sige bye na babe! Lasing na naman si Daddy, Muwah!” natatarantang sabi ni Liza.
“Sandali la-“ hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa biglang pagbaba ng telepono ni Liza.

Inalis niya sa isip niya ang oras na iyon. Wala na siyang pwedeng sisihin kundi ang ama niya dahil sa pagyayari. Tama! Iyon ang nasaisip nito.

“Ikaw ang may kasalanan nito Daddy! Kung hindi mo ako pinagbawalang kausapin si Luis, hindi sana siya susunod sa Family niya sa Singapore! At lalong hindi siya madadamay sa eroplanong may bomba! Damn you dad!” sigaw niya sa kanyang isip.
“Tama na ang sobrang pag-iisip Iha” sabi ng ina niya na kasalukuyang nasatabi niya. “Wala tayong magagawa kung namatay siya. Ang Maykapal lang ang nakakaalam kung bakit siya namatay. Hindi siguro siya para sa iyo.”
“Hindi! Si Daddy ang may kasalanan nito!” galit niyang sumbat sa kanyang ina.
“Anak, huwag mong sisihin ang Daddy mo. Ang sisihin mo ay ang taong nagtanim ng bomba sa eroplano.” Mahinahong sabi ng kanyang Ina.
“Hindi Mommy! Kung wala siyang kasalanan, bakit wala siya dito? Hindi ba kaya siya wala dito ay dahil nakukunsensya siya!”
“Hindi anak, nagkakamali ka. Meron siyang Business meeting kay Mr. Alfonso.”
“Hindi! Ginawa lang niyang dahilan iyon para maiwasan niya ang kanyang kunsensya sa kaunting pana-“ Hindi na natapos ni Liza ang kanyang sasabihin dahil may malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha.
“Anak! Hindi mo naiintindihan ang daddy mo!”
Lumuluha si Liza dahil sa sampal na kanyang inabot sa ina na naging dahilan para tumakbo siya papunta sa kanyang sasakyan.
“Liza saan ka pupunta!” pahabol na sigaw ng kanyang ina ngunit huli na ang lahat dahil pinaharurot ni Liza ang kanyang sasakyan. “Diyos ko! Huwag ninyong hayaang maaksidente si Liza. Namamaga ang kanyang mata”.

to be continue lol
Back to top Go down
 
Goodbye Past, Hello Future
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
FresboPatrol :: FresboPatrol LoveLines-
Jump to: